Thursday, May 24, 2012

Mga Klase ng Tatakbo sa Bayan Ko

Kung balak mong tumakbo, sino ka sa mga 'to?

- Ikaw ba ay galing sa angkan ng mga pulitiko? Tipong inugat na sa upuan, ay pamilya mo pa rin ang namumuno. Kulang na lang ipangalan na sa inyo ang buong bayan, high-ways, eskinita at kung ano-ano pa dahil ultimo bubuyog at tutubi mababasa ang mga billboards at tarpaulins na "PROJECT THROUGH THE INITIATIVE" niyo. Ihabol pa ang kalendaryo at christmas cards, ganun na din ang bulaklak sa mga patay.

- First timer na anak ng pulitiko, na kahit paano ay naging SK na sa barangay niyo. (Na kahit di mo gusto ay kailangan dahil yun ang gusto nila mommy at daddy mo) Kumuha ng Political Science o Public Administration na kurso sa college kahit na ang hilig ay fine arts o di kaya medicine. May problema tuwing pakitaan ng grade dahil palakol ka at kumpirme bawas na naman ang allowance dahil ikaw ay pinarusahan. Ultimo jojowain mo, pakekelaman ng mga magulang at kamag-anak mo dahil dapat daw nararapat lamang sa pangalan niyo ang 'yong lalandiin.

-Kaibigan ng nakaupo. Dati ay taga-bitbit lang ng tubig pero dahil nakuha ang tiwala ng nakaupo, nakipag-ututang dila na din sa ibang mga nilalang. Nakumbinsi na tumakbo, susuportahan ng mga gurang na at aalagaan para ikaw ang maging manok. Wala kang babayaran ni kusing dahil ang bayad ay manggagaling sa bulsa ng mamamayan. Utang na loob ba ang sistema, bibigyan mo tuloy sila ng kung ano-anong project na ultimo staepler, kunwari may bidding pa at sila ang mananalo.

- Virgin  na ambisyosa. Virgin na nangangarap na ju-moin sa mayaman ngunit nakakasukang mundo ng pulitika. Nagpapapogi ka na in advance para makilala ka. Kuntodo charity ka at ngiti na parang aso para makumbinsi ang mga tao na sa darating na eleksyon, sana ay maalala nila ang pangalan mo. Medyo under dog ka pa kaya sa lahat ay puro oo ang sinasagot mo. Mapa-hingi man ng noodles, gamot o di kaya'y pambili ng buho para sa gaganapin na fiesta, ikaw at ikaw ang natatanging hinihingan at pinagkukunan ng pondo. Ginagawa mo ang lahat mapansin lamang pero sa likod ng utak mo, ayos lang, sakripisyo ito...pagnanalo ako, mas malaki ang makukubra ko!

- Artistang sikat o kaya'y palaos na. Di na kailangan pa ng eksplanasyon. Yun na yun. Kasi nga, nakikita sa tv, e di sikat...pamilyar sa tao. Tumakbo, nanalo. Papogi o pagandahan ang puhunan. Meron din namang iba na nag-aral. Kudos sa mga yun, pero marami pa rin ang engot na ultimo simpleng batas hindi maabsorbed pero walang problema dahil madami ka namang alipores na susuporta at magco-correct ng katangahan mo.

At ang huli...

- Virgin to the highest level. Virgin na walang dungis. Ikaw ay may ginuntuang puso. Nagnanais ka lang talagang tumakbo upang makatulong sa bayan ko. Tipong may maganda kang trabahao at nakapag-ipun na ng lakas ng loob at ng pondo para sa isang malinis at mahinahong eleksyon. Ikaw yung hindi uma-amen sa mga buwaya sa paligid. Gusto mo ng serbisyong totoo, hindi panggagago. Umaaasa ka lang sa pangako ng mga kapit bahay, kamag-anak at kaibigan na ikakampanya ka nila dahil ikaw ay mabait at maaasahan nila. Manalo o matalo ok lang sa'yo...wala kang ipabubugbog o ipapapatay dahil sinusugal mo lang ang nais mo na pagbabago.


(image from google)

Wednesday, May 23, 2012

PANIMULA

Ang mga susunod na pahina ay maglalaman ng aking mga saloobin, kuro-kuro at topak ayon sa politika. Ito ay hindi paninira kundi katotohanan. Ano mang nakasulat dito ay base lamang sa aking sariling opinyon at nahakot na mga ebidensya. Kung sakaling meron akong nalabag, (na alam ko namang wala) hindi ako hihingi ng paumanhin sa kahit na sino pagkat akin lamang ginagampanan at tinatamasa ang FREEDOM OF SPEECH AND EXPRESSION na mayroon sa bansang Pilipinas.